Mataas na placement fee inalmahan ng OFWs

Inireklamo ng 30 overseas Filipino workers (OFWs) ang diumano’y abusadong recruitment agency na sumi singil sa kanila nang abot-langit na placement fees, ka­sabwat ang isang ahensiyang nagpapautang.

Sa e-mail na ipinadala ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East (ME), ini rereklamo ng 30 OFWs ang PERT-CPM Manpower Exponents Co. Inc. na matatagpuan sa Suite 2 & 3 Colorado Bldg., #1334 F. Agoncillo St., Ermita, Manila dahil tinataga diumano sila pagdating sa placement fee.

Ani Monterona, batay sa umiiral na mga batas, bawal ang maningil ng anumang uri ng placement fee kapag nagpapaalis ng isang OFW.

“Dahil sa laki ng lagay, napilitan tuloy mangutang ‘yung 30 OFWs na nagre reklamo sa isang lending agency, na grabe namang magpatubo,” sabi ni Monterona.

Ang 30 OFWs ngayon ay nagtatrabaho sa Saudi Public Transport Company (SAPTCo), sa Dammam, Saudi Arabia.

Ang masakit pa rito, ani Monterona, ang pinagsi singil sa kanila gaya ng visa processing fee at bayad sa iba pang mga papeles ay nabayaran na ng SAPTCo. (PINAS)