Isang napapanahong sulyap sa Nolí Me Tangere ni J. P. Rizal

Orihinal na pabalat ng Noli ni Dr. J. P. Rizal

Sandaan at dalawampu’t tatlong taon na ang nakararaan nang unang mailimbag ang kontrobersiyal na nobela ni Dr. José P. Rizal, na pambansang bayani natin ngayon—ang “Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin).”

Utang sa kanyang kaibi gang si Maximo Viola ang P300 ginamit sa pagpapalimbag ng isa sa pinakamahaha lagang nobela ngayon sa kasaysayan ng panitik ng bansa.

Sa Noli, buong tapang na ibinunyag ni Rizal ang kabulukan ng sistemang umiiral noon—ang paghahari ng mga prayle bilang puwersang relihiyoso at pulitikal—sa pinakanegatibong kahulugan nito, kasabwat ang nasa estado-poder, walang iba kundi ang lokal na mga pulitiko at ibang nasa itaas na bahagi ng lipunan.

Sino ang makalilimot sa dusang sinapit ng isang Crisostomo Ibarra y Magsalin at sa kanyang kinakasing si Ma. Clara? Sino ang hindi makikinig sa patalinghagang mga payo ni Pilosopó Tasyô? Sino ang hindi nadurog ang puso sa sinapit ni Sisa na nawalan ng bait dahil sa labis na kalungkutan bunga nang pagkakawalay sa anak?

At sino rin ang hindi mahihiwagaan sa karakter ng bangkerong si Elias at sa ka­nyang kasintahang si Salome?

Marahil, sa isang matiim na tumanda sa bawat pahina ng kasaysayan ng kanyang bansang tinubuan ang hindi makalilimot sa naturang mga tauhang bumuhay sa bawat pahina ng Noli.

Higit pa sa nobela ang Noli. Isa itong dokumentong pang kasaysayang hindi dapat lamang panatilihin sa mga lalagyan ng libro, paamagan doon at hayaang ngatngatin ng mga daga at gawing pinakapagkain ng mga ipis bagkus, dapat na repasuhing muli dahil sa paglipas nang mahigit sandaang taon at da lawang dekada’y nananatili ang mga karakter ng Noli sa ating lipunan.

Mababasa sa mga balita. Maririnig natin ang kanilang mga kasaysayan sa radyo. Mapanonood natin sila sa mukha ng ating telebisyon. Nakabubungguang-balikat natin sila sa araw-araw nating pamumuhay at pag-iral dito sa bansang may 7,107 pulo.

Gayunman, marahil dahil na rin sa napakaikli ng me morya ng tao, nalilimutan natin ang ating kasaysayan at ang mga aral na dapat ma hango natin dito. Muli tayong inaanyayahan ni Rizal at ng iba pang dakilang mga baya ning nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan na muling magsuri, magbantay at huwag matakot dalirutin ang nagnanaknak at nabubulok na sugat ng ating lipunan.

At tanging sa paglalanggas lamang, gamit ang ating pagkakaisa at wagas na pag-ibig sa bayan, mapagaga ling—kahit pa may maiiwang pilat—ang kanser na ayaw na ayaw ipasaling ng mga taong nakikinabang nang husto sa bulok at naa agnas na sistema.

Halina’t muli nating buksan ang Noli. Muli tayong matuto sa kasaysayan.