Walang masama sa pagyaman ni PGMA—Malacañang

Walang nakikitang masama ang Malacañang ukol sa pagyaman ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo. Anila, yumayaman ang pangulo dahil na rin sa mga hanapbuhay ng kanyang butihing kabiyak na si First Gentleman (FG) Atty. Jose Miguel “Mike” Arroyo.

Pahayag ni Press Secretary Cerge Remonde, ang pag-angat ng kabuhayan ng punong ehekutibo gaya nang isinasaad sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ay pagpapakita lamang na walang itinatago ang pangulo.

“Walang problema ‘yan. On the other hand, nagpapakita ‘yan na transparent si Pangulong Gloria dahil nag-report siya na umangat ang income niya. Anyway, inatasan ng pangulo ang kanyang abogado na i-explain ‘yan fully as soon as possible,” aniya sa isang panayam niya sa radyo.

Aniya pa, ang SALN na isinumite ng pangulo na isa sa mga kahingian sa mga opisyal ng gobyerno ay nagpapakita ng joint assets and liabilities ng mag-asawa.

Ipinaliwanag din ni Remonde na si FG ang nagpapatakbo ng mga negosyo ng isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Pilipinas sa kasalukuyan.

Wika pa ni Remonde, ang paglago ng real estate industry sa bansa (pagbili at pagbibili ng mga lupain), ang isa sa mga rason kung bakit lalong “gumanda” ang kabuhayan ng mag-asawang Arroyo.

Dagdag pa ng kalihim, may mga salapi ang mag-asawa, sa mga real estate company at iba pang empresa at kayang-kaya ng mga abugado nina Pang. Gloria at FG Mike Arroyo na ipaliwanag ang mga ito.

Sa ulat na inilathala ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), isinasaad doon na bumilis ang pag-akyat ng kayamanan ng pangulo sa unang mga taon ng panunungkulan nito at kung susumahin ang halaga, higit na mas malaki ito kumpara sa pinagsama-samang yaman ng naunang tatlong presidenteng nauna sa kanya. (Pinas: The Filipino’s Global Newspaper)

N. B. This article is not for the promotion of corruption. This is only to show the Filipino people the irony of running a public office, getting richer due to stocks exchange. The laws of the Republic of the Philippines can be found futile here.

 

The Section 4 (h) of REPUBLIC ACT No. 6713 or AN ACT ESTABLISHING A CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES, TO UPHOLD THE TIME-HONORED PRINCIPLE OF PUBLIC OFFICE BEING A PUBLIC TRUST, GRANTING INCENTIVES AND REWARDS FOR EXEMPLARY SERVICE, ENUMERATING PROHIBITED ACTS AND TRANSACTIONS AND PROVIDING PENALTIES FOR VIOLATIONS THEREOF AND FOR OTHER PURPOSES clearly states:

Simple living. – Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form.

Furthermore, same law provides that:

Section 7. Prohibited Acts and Transactions. – In addition to acts and omissions of public officials and employees now prescribed in the Constitution and existing laws, the following shall constitute prohibited acts and transactions of any public official and employee and are hereby declared to be unlawful:

(a) Financial and material interest. – Public officials and employees shall not, directly or indirectly, have any financial or material interest in any transaction requiring the approval of their office.

(b) Outside employment and other activities related thereto. – Public officials and employees during their incumbency shall not:

(1) Own, control, manage or accept employment as officer, employee, consultant, counsel, broker, agent, trustee or nominee in any private enterprise regulated, supervised or licensed by their office unless expressly allowed by law;

(2) Engage in the private practice of their profession unless authorized by the Constitution or law, provided, that such practice will not conflict or tend to conflict with their official functions; or

(3) Recommend any person to any position in a private enterprise which has a regular or pending official transaction with their office.

In this light, people of the Republic of the Philippines and of the world, you may judge according to your conscience if Mrs. Arroyo is not committing any felony against her own people. – Ed.